"May Laman"
BobongArt's Redline Series
Alam mo ba kung bakit ayaw ni Lola ng basag na santo?
Hindi dahil sayang.
Hindi dahil mahal.
Sabi niya,
“pag may butas na, may pwedeng pumasok.”
Hindi ko agad naintindihan.
Akala ko simpleng pamahiin lang.
Parang bawal magwalis sa gabi.
Parang bawal magturo sa puntod.
Lumaki ako sa bahay na puno ng santo.
Hindi yung konti lang.
Talagang kahit saan ka tumingin, meron.
Sa sala, may malaking altar.
May kandila, bulaklak, rosaryo na nakasabit.
Sa kwarto ni Lola, mas marami.
Mas luma.
Mas tahimik.
Kahit sa kusina, may maliit na nakapatong sa ibabaw ng ref.
May isa pa sa tabi ng lababo.
Hindi ka pwedeng kumain nang hindi ka tinitingnan.
Iba-iba sila.
May kahoy na magaspang pa yung ukit.
May plaster na makinis pero may crack na sa gilid.
May makintab na parang bago lang binili.
Pero kahit alin doon, hindi ko kayang hawakan nang matagal.
Hindi dahil natatakot ako.
Parang may pakiramdam lang na hindi dapat.
Si Lola, iba.
Sanay siya.
Araw-araw, may routine siya.
Maglilinis.
Magpupunas.
Minsan kakausapin pa niya.
Hindi ko alam kung dasal yun o usap lang.
Isang hapon, tinulungan ko siya.
“Dahan-dahan,” sabi niya.
Hinawakan ko yung isang santo.
Magaan.
Mas magaan kaysa sa inaasahan ko.
“Bakit ang gaan, La?”
“Walang laman,” sabi niya.
Parang normal lang.
Doon ko unang napansin.
Yung likod ng ibang santo, may takip.
Maliit lang.
Parang pwedeng buksan.
Binuksan niya yung isa.
Tinanggal niya yung ulo.
Wala.
Walang laman.
Hollow.
Tinignan ko yung loob.
Madilim.
Alikabok lang.
“Para gumaan,” sabi niya ulit.
Pero hindi siya mukhang kumbinsido.
May tinabi siya.
Si San Roque.
Luma na siya.
Kupas na yung pintura.
Yung aso sa tabi niya, parang natanggal na yung isang paa.
May bitak sa gilid.
Hindi malaki.
Pero halata.
“Lola, ayusin natin?”
Umiling siya.
Hindi mabilis.
Hindi rin matigas.
Yung parang matagal na niyang desisyon.
“Wag na.”
“Bakit?”
Doon siya tumingin sakin.
Hindi galit.
Hindi rin seryoso.
Parang sinasabi lang niya yung obvious.
“Pag may bitak na, hindi na yan sa atin.”
Hindi ko na tinanong.
Kasi parang ayaw niyang pahabain.
Gabi na nun.
Biglang brownout.
Sanay naman kami.
Kandila agad.
Yung ilaw, gumagalaw sa pader.
Yung mga anino, lumalaki, lumiit, gumagalaw.
Yung mga mata ng santo, parang sumusunod.
Sinabi na yun sakin dati.
Normal lang daw yun.
Nasa sala ako.
Mag-isa.
Si Lola nasa kwarto.
Naririnig ko siya.
Nagdarasal.
Mahina.
Paulit-ulit.
Hindi ko pinansin nung una.
Nakaupo lang ako sa sahig.
Pinapanood yung ilaw ng kandila.
Tapos may narinig ako.
Mahina.
Parang may kumatok.
Hindi sa pinto.
Hindi sa bintana.
Sa loob.
Tumigil ako.
Nakinig.
Tahimik ulit.
Akala ko mali lang.
Tapos ulit.
Tok.
Tok.
Mas malinaw.
Doon ako napatingin sa altar.
Walang gumagalaw.
Pero alam mong may mali.
Lumapit ako.
Dahan-dahan.
Hindi dahil matapang ako.
Kasi gusto kong matapos agad yung kaba.
Tinignan ko isa-isa.
Wala.
Hanggang sa nakita ko si San Roque.
Yung may bitak.
Doon nanggaling.
Tinignan ko yung gilid.
Yung crack.
Madilim sa loob.
Tapos may gumalaw.
Hindi lumabas.
Hindi nagpakita.
Pero may nag-adjust.
Parang may umayos ng pwesto.
Parang may nakasiksik sa loob na gumalaw.
Doon ako umatras.
Hindi ako sumigaw.
Hindi ako tumakbo.
Yung katawan ko lang yung umatras.
Yung utak ko naiwan pa rin dun.
Narinig ko si Lola.
Tumigil sa dasal.
Lumabas siya ng kwarto.
Hindi siya nagtanong.
Hindi siya nagulat.
Diretso siya sa altar.
Kinuha niya si San Roque.
Hinawakan niya.
Mahigpit.
“Sinabi ko sayo.”
Hindi sakin.
Sa hawak niya.
Lumabas siya ng bahay.
Sunod ako.
Sa likod, may lupa.
May maliit na hukay.
Hindi ko alam kung kailan ginawa.
Pero parang hindi bago.
Nilagay niya dun yung santo.
Hindi niya binuksan.
Hindi niya sinilip.
Tinabunan niya agad.
Wala siyang dasal.
Wala siyang sign of the cross.
Pagpasok namin ulit,
tahimik na.
Yung kandila, steady na.
Yung mga anino, normal na ulit.
Kinabukasan, tinanong ko siya.
“Lola, ano yun kagabi?”
Nagkakape siya.
Hindi siya tumingin agad.
“Hindi lahat ng santo, santo pa rin.”
Tahimik ako.
“Bakit may kumakatok?”
Doon siya tumingin.
Diretso.
“Hindi sila kumakatok para lumabas.”
Humigop siya ng kape.
“Humahanap sila ng mas maayos na lalagyan.”
Hindi na ako nagsalita.
After nun, tinanggal ni Lola yung ibang santo.
Yung may lamat.
Yung may bitak.
Yung mukhang luma na masyado.
Hindi niya inayos.
Hindi niya pininturahan.
Hindi na rin niya pinakita kung saan niya dinala.
Pero may napansin ako.
Yung mga natira, wala ni isa ang may crack.
Simula noon, hindi na ako basta basta sumisilip ng kahit anong bagay na hollow.
Lalo na yung hindi naman dapat binubuksan.
Kasi minsan, hindi ikaw ang curious.
May naghihintay lang na mabuksan.
Alam mo ba kung bakit ayaw ni Lola ng basag na santo?
Hindi dahil sayang.
Hindi dahil mahal.
Sabi niya,
“pag may butas na, may pwedeng pumasok.”
Hindi ko agad naintindihan.
Akala ko simpleng pamahiin lang.
Parang bawal magwalis sa gabi.
Parang bawal magturo sa puntod.
Lumaki ako sa bahay na puno ng santo.
Hindi yung konti lang.
Talagang kahit saan ka tumingin, meron.
Sa sala, may malaking altar.
May kandila, bulaklak, rosaryo na nakasabit.
Sa kwarto ni Lola, mas marami.
Mas luma.
Mas tahimik.
Kahit sa kusina, may maliit na nakapatong sa ibabaw ng ref.
May isa pa sa tabi ng lababo.
Hindi ka pwedeng kumain nang hindi ka tinitingnan.
Iba-iba sila.
May kahoy na magaspang pa yung ukit.
May plaster na makinis pero may crack na sa gilid.
May makintab na parang bago lang binili.
Pero kahit alin doon, hindi ko kayang hawakan nang matagal.
Hindi dahil natatakot ako.
Parang may pakiramdam lang na hindi dapat.
Si Lola, iba.
Sanay siya.
Araw-araw, may routine siya.
Maglilinis.
Magpupunas.
Minsan kakausapin pa niya.
Hindi ko alam kung dasal yun o usap lang.
Isang hapon, tinulungan ko siya.
“Dahan-dahan,” sabi niya.
Hinawakan ko yung isang santo.
Magaan.
Mas magaan kaysa sa inaasahan ko.
“Bakit ang gaan, La?”
“Walang laman,” sabi niya.
Parang normal lang.
Doon ko unang napansin.
Yung likod ng ibang santo, may takip.
Maliit lang.
Parang pwedeng buksan.
Binuksan niya yung isa.
Tinanggal niya yung ulo.
Wala.
Walang laman.
Hollow.
Tinignan ko yung loob.
Madilim.
Alikabok lang.
“Para gumaan,” sabi niya ulit.
Pero hindi siya mukhang kumbinsido.
May tinabi siya.
Si San Roque.
Luma na siya.
Kupas na yung pintura.
Yung aso sa tabi niya, parang natanggal na yung isang paa.
May bitak sa gilid.
Hindi malaki.
Pero halata.
“Lola, ayusin natin?”
Umiling siya.
Hindi mabilis.
Hindi rin matigas.
Yung parang matagal na niyang desisyon.
“Wag na.”
“Bakit?”
Doon siya tumingin sakin.
Hindi galit.
Hindi rin seryoso.
Parang sinasabi lang niya yung obvious.
“Pag may bitak na, hindi na yan sa atin.”
Hindi ko na tinanong.
Kasi parang ayaw niyang pahabain.
Gabi na nun.
Biglang brownout.
Sanay naman kami.
Kandila agad.
Yung ilaw, gumagalaw sa pader.
Yung mga anino, lumalaki, lumiit, gumagalaw.
Yung mga mata ng santo, parang sumusunod.
Sinabi na yun sakin dati.
Normal lang daw yun.
Nasa sala ako.
Mag-isa.
Si Lola nasa kwarto.
Naririnig ko siya.
Nagdarasal.
Mahina.
Paulit-ulit.
Hindi ko pinansin nung una.
Nakaupo lang ako sa sahig.
Pinapanood yung ilaw ng kandila.
Tapos may narinig ako.
Mahina.
Parang may kumatok.
Hindi sa pinto.
Hindi sa bintana.
Sa loob.
Tumigil ako.
Nakinig.
Tahimik ulit.
Akala ko mali lang.
Tapos ulit.
Tok.
Tok.
Mas malinaw.
Doon ako napatingin sa altar.
Walang gumagalaw.
Pero alam mong may mali.
Lumapit ako.
Dahan-dahan.
Hindi dahil matapang ako.
Kasi gusto kong matapos agad yung kaba.
Tinignan ko isa-isa.
Wala.
Hanggang sa nakita ko si San Roque.
Yung may bitak.
Doon nanggaling.
Tinignan ko yung gilid.
Yung crack.
Madilim sa loob.
Tapos may gumalaw.
Hindi lumabas.
Hindi nagpakita.
Pero may nag-adjust.
Parang may umayos ng pwesto.
Parang may nakasiksik sa loob na gumalaw.
Doon ako umatras.
Hindi ako sumigaw.
Hindi ako tumakbo.
Yung katawan ko lang yung umatras.
Yung utak ko naiwan pa rin dun.
Narinig ko si Lola.
Tumigil sa dasal.
Lumabas siya ng kwarto.
Hindi siya nagtanong.
Hindi siya nagulat.
Diretso siya sa altar.
Kinuha niya si San Roque.
Hinawakan niya.
Mahigpit.
“Sinabi ko sayo.”
Hindi sakin.
Sa hawak niya.
Lumabas siya ng bahay.
Sunod ako.
Sa likod, may lupa.
May maliit na hukay.
Hindi ko alam kung kailan ginawa.
Pero parang hindi bago.
Nilagay niya dun yung santo.
Hindi niya binuksan.
Hindi niya sinilip.
Tinabunan niya agad.
Wala siyang dasal.
Wala siyang sign of the cross.
Pagpasok namin ulit,
tahimik na.
Yung kandila, steady na.
Yung mga anino, normal na ulit.
Kinabukasan, tinanong ko siya.
“Lola, ano yun kagabi?”
Nagkakape siya.
Hindi siya tumingin agad.
“Hindi lahat ng santo, santo pa rin.”
Tahimik ako.
“Bakit may kumakatok?”
Doon siya tumingin.
Diretso.
“Hindi sila kumakatok para lumabas.”
Humigop siya ng kape.
“Humahanap sila ng mas maayos na lalagyan.”
Hindi na ako nagsalita.
After nun, tinanggal ni Lola yung ibang santo.
Yung may lamat.
Yung may bitak.
Yung mukhang luma na masyado.
Hindi niya inayos.
Hindi niya pininturahan.
Hindi na rin niya pinakita kung saan niya dinala.
Pero may napansin ako.
Yung mga natira, wala ni isa ang may crack.
Simula noon, hindi na ako basta basta sumisilip ng kahit anong bagay na hollow.
Lalo na yung hindi naman dapat binubuksan.
Kasi minsan, hindi ikaw ang curious.
May naghihintay lang na mabuksan.
“Bantay”
BobongArt- Redline Series
Alam mo yung amoy ng PGH?
Hindi siya simpleng alcohol.
Parang pinaghalo na pawis, gamot, bleach, at init ng Maynila.
Kahit gabi, hindi nawawala.
Doon ako nagbantay.
Charity ward.
Yung dikit-dikit ang kama.
Yung kahit gusto mong maging tahimik, hindi pwede.
National hospital daw.
Referral center.
Halos lahat dumadaan doon.
Kaya hindi ka rin nagtataka kung minsan, parang hindi na kasya yung buhay at patay sa iisang lugar.
Third night ko magbantay ng isang kamag-anak.
May electric fan sa gitna, umiikot lang, hindi nakakatulong.
Yung ilaw, hindi pinapatay.
Kasi bawal.
May mga bantay na tulog na nakaupo.
May iba, nakahiga sa karton sa sahig.
Normal lang.
Bandang 2 AM, nagising ako.
Hindi dahil sa ingay.
Dahil parang may kulang.
Yung ugong ng ward, biglang humina.
Parang may nag-mute.
Tumingin ako sa kabilang row.
May kama doon na walang bantay.
Pero may nakatayo.
Akala ko nurse.
Naka-puti.
Pero hindi siya gumagalaw.
Hindi nagche-check ng chart.
Hindi tumitingin kung saan.
Nakatayo lang.
Nakatalikod.
Bumalik ako sa pasyente namin.
Hinawakan ko kamay niya.
Mainit pa.
“Okay pa,” sabi ko sa sarili ko.
Pero hindi ako mapakali.
Tumingin ulit ako.
Nasa parehong pwesto pa rin.
Walang galaw.
Tumayo ako.
Kunwari kukuha ng tubig.
Dadaan ako malapit.
Habang papalapit ako, napansin ko yung sahig.
Basang-basa.
Pero wala namang tumapon.
Walang mop.
Walang naglinis.
Parang galing sa kanya.
Napatingin ako sa paa niya.
Doon ako napahinto.
Hindi siya nakatapak.
Hindi siya nakatayo.
Nakalutang siya.
Konti lang ang pagitan sa sahig.
Pero hindi siya nakaapak.
Hindi ako lumapit.
Bumalik ako agad sa upuan ko.
Hindi ako nagdasal agad.
Hindi pa.
Kasi ayoko pang aminin.
Tapos may narinig ako.
Mahina.
Hindi galing sa kanya.
Hindi galing sa ibang pasyente.
Parang galing sa pagitan ng mga kama.
“Bantay…”
Hindi ako gumalaw.
Hindi ako sumagot.
After ilang segundo, narinig ko ulit.
Mas malinaw.
Mas malapit.
“Bantay…”
Tumingin ako sa pasyente namin.
Tulug pa rin.
Pero yung kamay niya…
Humigpit.
Hindi malakas.
Pero hindi na normal.
Doon ako natakot.
Hindi dahil sa nakatayo.
Dahil sa katabi ko.
Dahan-dahan akong tumingin ulit sa kabilang kama.
Wala na yung nakatayo.
Pero may nakahiga na.
May kumot.
May ulo.
Parang matagal nang nandun.
Hindi ko na tinignan ulit.
Umaga na ako gumalaw.
May nurse na nag-rounds.
Tinuro ko yung kama.
“Sino po yung pasyente dun?”
Tumingin siya.
Sandali lang.
Parang nag-iisip.
Tapos sabi niya,
“Na-expire yan kagabi.”
Hindi ako nagsalita.
“Mga 2 AM,” dagdag niya.
“Walang bantay.”
Tumango na lang ako.
Hindi ko sinabi na may nakita ako.
Hindi ko sinabi na may narinig ako.
Hindi ko sinabi na may humawak sa balikat ko.
Umalis ako ng ward.
Dumaan ako sa labas.
Mainit pa rin kahit umaga.
Normal ulit lahat.
Mga tao, pila, sigawan, tawag ng nurse.
Parang walang nangyari.
Pero may napansin ako.
Sa braso ko.
Yung hinawakan kagabi.
May marka.
Hindi sugat.
Hindi pasa.
Parang basa lang.
Pero hindi natutuyo.
Hanggang ngayon, pag napapadaan ako sa PGH,hindi ako tumitingin sa loob.
Kasi alam ko na, hindi lahat ng bantay buhay.